Olongapo City Skills Training Center

Sunday, February 17, 2008

Livelihood Business Opportunity Seminar

Nagsagawa ng Livelihood Business Opportunity Seminar ang Livelihood and Cooperative Development Office (LCDO) nitong ika-13 ng Pebrero 2008 sa Conference Room ng Olongapo City Hall.

Sa inisyatibo ni City Mayor James “Bong” Gordon, Jr., ang naganap na business opportunity seminar ay nagbigay-daan para sa mga Olongapeño na magkaroon ng kaalaman hinggil sa ipinakikilalang bagong negosyong pangkabuhayan.

Sa pakikipag-ugnayan sa dL Natural Healthcare and Beauty Products, pinangunahan ni LCDO Officer Aileen Cuevas–Sanchez ang naturang seminar na dinaluhan ng mga Barangay Livelihood Officers mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Ipinakilala sa seminar ang networking business opportunity na hatid ng dL Natural Healthcare and Beauty Products kung saan ay tampok na produkto ang mga essential oils na malimit ginagamit na pang-aromatheraphy. Sa pamamagitan ng pagiging ‘dL distributor’ ay maaari nang makapagsimula ng maliit na negosyo ang mga interesadong entrepreneurs.


Maaaring makipag-uganayan sa LCDO para sa mga nagnanais maging dL distributors o kaya ay sa mismong tanggapan ng dL Natural Healthcare and Beauty Products. Tumawag lamang sa telepono bilang 047-232-4139/0921-615-2134/0915-646-4556 o mag-email sa dlnatural@yahoo.com.

Matatandaang ang pagbibigay ng livelihood opportunities para sa mga Olongapeño ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng administrasyon ni Mayor Bong Gordon. Sa pamamagitan ng LCDO, patuloy ang mga livelihood programs ng lungsod tulad ng pagbibigay ng katulad na mga business opportunity seminars, libreng livelihood trainings at Marketing Assistance sa pamamagitan ng ‘Gawang Gapo’ na nagbibigay oportunidad sa mga Olongapeño entrepreneurs na makapagpakilala ng kani-kanilang mga produkto.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home