Olongapo City Skills Training Center

Sunday, May 25, 2008

Free Livelihood Training

Livelihood Trainings ang patuloy na isinusulong ni City Mayor James “Bong” Gordon Jr. kaya naman nitong ika-13 at 14 ng Mayo 2008 ay nagsagawa ng ‘’Squash Based Products-Free Training’’ ang Livelihood Cooperative Development Office (LCDO) sa mahigit limampung (50) mga kababaihan ng Barangay West Bajac-Bajac.

Mga residenteng may edad na labing-walo (18) pataas na interesadong magnegosyo ang tinuruan ng mga kasanayan na maaaring pagkakakitaan tulad ng Food processing at cooking demo.

“Ang mga kababaihan ang kadalasang magaling sa pagnenegosyo dahil sa pagkamasinop at kasanayan sa pagba-budget. At ang mga panimulang negosyo ay yung mga nangangailangan ng galing ng kababaihan tulad sa pagluluto, food processing at iba pa, kaya’t matuto kayo dahil pakikinabangan ninyo ito at ng inyong pamilya ,” mensahe ni Mayor Gordon.

Ang livelihood trainings na umiikot sa labingpitong (17) barangay sa lungsod ay bahagi ng kabuuang programa ni Mayor Gordon sa pangkabuhayan na pinangungunahan ng Livelihood & Cooperative Development Office (LCDO) bilang in-charge sa patuloy na pagbibigay ng iba’t-ibang trainings na pangnegosyo.

Naglalaan din ng pondo si Mayor Gordon upang matulungan sa pinansyal na aspeto ang mga nagsisimulang negosyante. Dito ay nagbibigay ng financial assistance ang pamahalaan upang higit na maging kabahagi na makamit ang naisin na magkaroon ng pagkakakitaan ang isang pamilya.

Tuwang-tuwa ang mga dumalo sa training at nabigyan sila ng pag-asa para matupad ang negosyo na talaga namang desidido nilang simulan at palaguin. “May pagkakataon na kaming umasenso. Salamat sa tulong ni Mayor Gordon,” sambit ni Mrs. Fatima Santos, isa mga dumalo sa training.
Si Mayor Bong Gordon habang nagbibigay ng mensahe sa mga kababaihang suma-ilalim sa free livelihood training ng ‘’Squash-Based Products’’. Isinagawa ang training nitong ika-13 at 14 ng Mayo 2008 sa Brgy. West Bajac-Bajac. Pao Photo/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home