Olongapo City Skills Training Center

Friday, May 16, 2008

MOBILE SKILLS TRAINING VAN: "On the Go sa Barangay"

Sa naisin ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na higit na ma-abot ang mga residente ng Olongapo upang mabigyan ng sapat na kaalaman sa larangan ng technical education at skills development ay magsisimula nang mag-ikot sa labing-pitong (17) barangay ng lungsod ang ‘’Mobile Skills Training Van’’.

Sa nasabing van makikita ang tinaguriang ‘smallest welding machine’ sa bansa kasama ang portable Oxy-Acetylene cutting device nito. Lulan rin ng van ang generator at ilan pang welding machines at equipment na gagamitin ng mga trainees.

May mga nakatalaga ring computer units na gagamitin ng mga kabataang nais matuto ng ‘basic computer skills’ na sasa-ilalim naman sa free computer training

Magsisimulang mag-iikot ang ‘’Mobile Skills Training Van’’ sa buwan ng Mayo kung saan partikular na tutunguhin nito ang mga pinaka-mataas, pinaka-malayo at ma-taong lugar sa lungsod.

‘’Target ng ‘’Mobile Skills Training Van’’ ang mga Olongapeñong dahil sa kahirapan ay hindi makatungo sa mga paaralan upang makapag-aral. Kaya sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay ilalapit na namin sa inyo ang mga libreng trainings ng pamahalaang lokal,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) nina Mayor Gordon at Provincial Director Elizabeth DM. Manio ng TESDA na nilagdaan nitong ika-21 ng Abril 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center, magkatuwang ang pamahalaang lokal at TESDA sa pagtataguyod ng ‘’Mobile Skills Training Van’’.

Ang mga trainees na makaka-kompleto sa modules ng mobile training ay makakatanggap ng ‘Certificate of Completion’ buhat sa City Government at TESDA.

Para sa karagdang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ni City Councilor Edwin Piano, 2nd Floor ng City Hall o makipag-ugnayan sa 224-8390 local 4229/4329.


Si Mayor Bong Gordon at TESDA Provincial Director Elizabeth DM. Manio sa Memorandum of Agreement (MOA) signing kaugnay sa ‘’’Mobile Skills Training Van’’. Nasa larawan ang training van na mag-iikot at magsasagawa ng training sa mga barangay sa lungsod.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home